Una sa Balita

Michelle nanganak na sa Amerika

By
Michelle, baby at Troy
0 19

Nanay na nga ang dating seksing-seksi na si Michelle Madrigal. Ang magkaroon ng sariling pamilya sa Amerika nga ang dahilan kung bakit nawala sa showbiz ang aktres.

Si Michelle na ang bongga sana ng future sa showbiz, dahil bukod sa galing umarte, seksi nga, at palaban din ang karakter. Kumbaga, ganda-gandahan na kontrabida sana ang peg niya.

Pero, mas pinili nga niyang iwanan ang showbiz, ang Pilipinas. At heto nga, may sarili na siyang pamilya sa Amerika.

“She was too anxious to meet the world… Anika Austin Woolfolk | 6lbs 8oz | 20in. Born 10-20-17 at 1:39am,” sabi ni Michelle sa Instagram post niya.

Of course, kasama ni Michelle ang fiancé niyang si Troy Woolfolk sa oras ng kanyang panganganak. At bago nga manganak si Michelle, isang madamdaming mensahe ang pinost niya para sa kanyang baby.

“To our first born, there’s nothing daddy & I won’t do for you. You will be loved unconditionally and have fit parents to keep up with all your activities. We will figure out this parenting together to give you a life you truly deserve. Love,MoM & Dad .”

Sobrang happy ang friends ni Michelle like Maxene Magalona, Carla Humphries, at Rufa Mae Quinto sa bagong chapter na ito ng buhay ni Michelle.

John Lloyd at Ellen nakaka-good vibes na ang relasyon

Good vibes na ang dating ng mga latest Instagram photos na pino-post nina Ellen Adarna at John Lloyd Cruz, na mga kuha mula sa Switzerland, kung saan ay nagbabakasyon nga sila ngayon.

Para ka ngang nanonood ng travel show dahil sa videos, photos na pino-post nila. Na ang feeling mo, kasama ka sa travel nilang dalawa.

Perfect for each other nga ang deskripsiyon sa kanila ng followers nila. Kung dati-rati, sangkatutak na pamba-bash ang hinahamig nila, ngayon nga, mas bongga at mas maraming positive comments, messages na ang ibinibigay sa kanila.

Ang sweet nilang dalawa sa isa’t isa, ‘yan nga ang obserbasyon ng followers nila. Tipong, nagja-jive talaga ang mga karakter nila sa isa’t isa.

For now, ang kaligayahan ang makikita mong pinagsasaluhan nila. At tulad ng icon na ginamit ni Ellen sa deskripsiyon niya kay John Lloyd, na pulang-pulang heart, ganu’n na ganu’n nga ang sitwasyon nila.

“Hi (red heart) I see you taking a picture of me. #HuliKa,” sey ni Ellen sa photo ni Lloydie na pinost niya.

“Sweet,” ang reaksiyon ni Gretchen Barretto sa post na ‘yon ni Ellen.

Tuloy-tuloy ang kulitan sa I-Bilib

Tuloy-tuloy lang ang pakikipagkulitan ni Vaness del Moral kina Chris Tiu, James and Roadfill ng Moymoy Palaboy sa I-Bilib.

At ngayong umaga, sasagutin ang mga tanong na ‘Kaya bang buhatin ang isang 275-pound sumo wrestler sa tulong ng isang maliit na baso? ‘Yan ang susubukan ng mga taga-Discover Science sa mega-experiment na Mighty Glass.

At ano naman kaya ang mga kayang gawin ng isang bullwhip? Samahan sina James at Rodfil para makilala ang mga Bilibabol Latigo Masters!

Isang nakakatuwang word-to-drawing challenge naman ang ipagagawa ni Chris sa huling hirit!

Masayang matuto kapag kasama ang barkada sa inyong paboritong Sunday morning tambayan, I-BILIB!