Una sa Balita

Michelle Madrigal magpapaliit ng boobs

0 526

Magpapatanggal ng breast implants si Michelle Madrigal ngayong December 10. Ito ang matapang na inihayag ng dating aktres sa kanyang Instagram.

Sa posting ni Michelle ng larawan niya habang hawak ang boobs niya, kasunod nito sa parehong post ang video na nagpapaliwanag tungkol sa desisyon niyang ipatanggal ang implants sa kanyang dalawang dibdib.

Ayon sa testimony ni Michelle, twelve years ago nang magpalagay siya ng implants sa kanyang mga suso dahil sa insecurity at hindi siya makuntento sa malaki na ngang size ng kanyang breasts.

Hindi naman daw nito inilihim noon ang pagpapaayos ng dibdib kaya hindi siya nag-aalangang ibalita ang pagpapatanggal niya ng implants.

Sa caption ng post, sinabi ni Michelle na kirot, pera at health issues ang ibinibigay sa kanya ngayon ng kanyang boobs enhancement kaya gusto na niya itong ipatanggal.

Umani ng papuri si Michelle mula sa mga netizen at follower niya dahil sa katapangan nito. Nililinaw lang ni Michelle na hindi niya tinatakot o hinihiya ang mga babaeng may implants o mga nagpalagay ng silicon.

Ang pagbahagi niya ng pagdaraang journey ay tungkol sa kanyang sarili.

Sa States magpapaopera si Michelle, kung saan na siya naka-base kasama ang American husband at ang nag-iisang anak na babae.

Christian bongga ang sorpresa kay Katrina

Gumastos talaga si Christian Bautista para gawing espesyal ang selebrasyon ng kasal nila ni Katrina Ramnani. Sa Instagram ni Christian ay ipinasilip ang maikling footage ng ipinagawa niyang design sa loob ng kanilang bahay bago pa dumating ang kanyang asawa.

Binihisan nang husto ng coordinator ng okasyon ang dining at sala ng singer dahil gusto nitong sorpresahin ang asawa. Maraming puting rosas ang ikinalat sa loob ng bahay, kandila, at 3-layers cake na animo’y ikakasal uli ang dalawa.

Pagpasok ni Katrina sa loob ng bahay habang nasa likod nito ang kanyang mister, kitang-kita sa una ang sorpresa sa reaksyon nito at ang kaligayahan. Ginustong bigyan ni Christian ng special wedding anniversary dahil sa mismong caption “i love you very much my darling” ang sinulat nito.

Robin todo push sa ROTC

Sa pamamagitan ng video ay nanawagan si Robin Padilla sa Instagram na hikayatin ang kabataan lalo sa mga pumapasok sa school, na suportahan ang pagbabalik ng ROTC o Reserve Officer’s Training Corps, isang military training subject sa senior high school levels.

Sa speech ni Robin, sinabi nitong mas magiging kapaki-pakinabang ang mga kabataang lalaki ngayon sa military training kaysa mag-vandalize o magsulat sa mga pampublikong lugar.

Disiplina ang ituturo sa ROTC para makatulong sa bayan, sa mga kapwa nito Pilipino ang mga bagets, hindi lang sa giyera kundi sa mga biktima ng kalamidad.

Mababasa naman sa caption ang position ni Robin sa Phil. Military bilang reservist. Naniniwala si Robin na magkakaroon ng mas malaking malasakit sa kani-kanilang puso ang mga kabataan kapag sumali ang mga ito sa ROTC.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy