Una sa Balita

Michelle Cobb, DLSU sinapol ang Ateneo!

0 1,777

NAGLALARO nang walang pressure sa balikat, nasa pang­karaniwang pamatay na porma ang defending champion De La Salle Lady Spikers sa huling araw ng double round eliminations ng UAAP Season 80 women’s volleyball tournament kahapon sa Mall of Asia Arena.

Hindi hinayaan ng DLSU na maresbakan sila ng Ateneo Lady Eagles at itinarak ang three-set victory, 26-24, 25-17, 25-19, para manatili sa top spot tangan ang 12-2 kartada matapos ang dalawang round. Nagsilbing pamato si Michelle Cobb sa pagpalo ng 7 points kasama ang 24 excellent sets para kabigin ang best player of the game, na sinaksihan ng lampas 23,000 fans.

Lumagapak naman sa ikatlong puwesto ang Ateneo tangan ang 9-5 marka, habang umakyat sa No. 2 spot ang FEU Lady Tamaraws 10-4.

Hawak ng DLSU at FEU ang twice to beat advantage sa pagbubukas ng semifinals. Haharapin ng No. 1 La Salle ang No. 4 NU Lady Bulldogs, kaldagan ang No. 2 Lady Tams at No. 3 Lady Eagles sa sariling Final Four matchup.