Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Michele may ‘tinatakbuhan’

0 73

KAGAYA ng karamihan ngayong may global pandemic, pagwo-workout at pagiging aktibo ang isa sa paraan ng mga atleta upang mapanatili ang kanilang malusog na pangangatawan.

Kaya naman, nananatiling active si Creamline Cool Smasher star Michele Gumabao na nag-ehersisyo kasama ang kanyang pamilya.

Ilang larawan ang ibinahagi ng sikat na volleybelle sa kanyang Instagram post matapos ang kanilang pagtakbo sa Quezon City

“Morning run! With mom and @gitagumabao. Staying healthy as a family,” caption pa ni Gumabao.

Wala pang balita kung kailan babalk ang mga paluan ng bola sa Premier Volleyball League (PVL) dahil pa rin sa coronavirus pandemic. (JAToralba)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.