Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Michael susulong

0 7

NAKATAKDANG magpakitang-gilas ang mga batang woodpusher sa Eastern Asia Youth chess championship at isa sa mga kalahok ay si Michael Jan Stephen Inigo.

Lalarga ang tulakan ng piyesa sa Oktubre 1-3, sariwa pa ang 13-year-old Grade 8 student ng Bayawan City Science and Technology Education Center (BCSTEC) sa runner-up finish sa Under-14 boys Eastern Asia Youth selection nitong Setyembre 12.

Kasama si Inigo sa Philippine Team B na sumalang sa 15U Boys Open Division sa ASIAN Schools Chess Championships 2021 at tumapos sila sa 28th place sa 103 chess players na sumali sa Asian Region.

Samantala, markado sa nasabing event si NM Oshrie Jhames “OJ” Constantino Reyes, ang kasalukuyang kampeon sa 2021 National Age Group Hybrid Chess Championships Grandfinals Under-10 division. (Elech Dawa)

Leave A Reply

Your email address will not be published.