Una sa Balita

Michael Phelps bilib sa Fil-Am na sumira ng kanyang record

0 861

HUMANGA ang Amerikanong si Michael Phelps sa 10-taon gu­­lang na Fi­lipino-American na su­mi­ra sa kanyang record sa swimming.

Sa isang tweet, binati ng retiradong si Phelps si Clark Kent Apuada, kilala bilang ‘Superman’ sa kanyang mga kaibigan.

“Big congrats to #clarkkent for sma­shing that meet record !!! Keep it up dude!!,” tweet ni Phelps na may kakabit na #dreambig.

Si Phelps ang may ha­wak ng all-time record na 23 gintong medalya sa Olympics.

Noong nakaraang linggo, lumahok si Clark sa boys 10 and under, 100-meter butterfly sa Far Western Swimming Championship sa Moraga, California. Nagwagi siya sa oras na 1:09:38.

Noong 1995, nai­tala ni Phelps ang rec­ord sa nasabing ka­­tegorya sa oras na 1:10:48.

Sinabi ng ina ni Clark na si Cynthia Apuada na ang kanyang mister ang nagbigay ng pangalang Clark Kent sa kanilang anak dahil paborito daw nito ang superhero na si Superman.

“We’re always just telling people his name is Clark. But when they realize his full name, people just call him Superman,” pagbibida ni Cynthia.