Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Michael Pacquiao iniyakan panlalait ng mga basher

0 324

Wala naman sigurong kukuwestiyon na sa ngayon, isa si Senator Manny Pacquiao sa pinakamayaman sa bansa. Pero sa kabila nito, sinisigurado niya na natuturuan daw nilang mag-asawa na si Jinkee Pacquiao ng totoong buhay ang mga anak.

Ayon dito, “Tinuturuan namin sila ng mga gawaing bahay, yung mga ginagawa ng mga naghihirap na tao. Actually, dinala nga namin sila sa GenSan para mag-aral. Doon sila nakapag-aral ng dalawang taon para ma-experience nila yung buhay ng mahihirap. Doon sila nag-aaral sa walang aircon na school for two years.

“Gusto ko kasi talaga na ma-experience nila, ma-realize nila na ang buhay ay hindi lang puro sarap dahil yung kinagisnan nila masarap na. Pero yung pinagdaanan namin, gusto ko ma-realize nila para pagdating ng araw, hindi sila matapobre. Gusto namin silang compassionate and helpful to others. ‘Yan ang gusto ko sa kanila. God is good naman, mababait naman silang lahat, nirerespeto kami, at sumusunod sa kung anong advice namin sa kanila.”
Sa mga anak, ang anak na si Michael daw ang medyo affected sa mga bashing sa social media.

“Yung anak ko kasi, especially si Michael, siyempre, hindi lahat ng nasa social media magsu-support sa’yo, pupuri sa ‘yo, may mga basher din. Minsan di niya ma-handle, minsan parang nalulungkot siya, umiiyak.

“Pero sinasabi ko, pinapaintindi ko sa kanila na ganun talaga, you cannot please everyone, so may mga ano talaga mamba-bash sa ‘yo. Intindihin n’yo na lang ‘yan, sabi ko, ‘Yung daddy n’yo rin, from the beginning of my career until now, may bashers talaga.’ Pero yung mga basher na yun, hindi ako galit sa kanila, doon ako humuhugot ng inspirasyon para ipakita sa sarili ko na hindi ako ganun.”

Mga anak ni Pacman hindi matapobre

Katulad din ng ibang Pinoy, mas sa bahay at mas maraming oras silang nagkasama-samang pamilya ngayong quarantine.

“Ang na-realize namin sa quarantine na ito, maganda ang nangyari dahil yung kulang na time namin sa kanila at kulang na time nila sa amin ay sobra-sobra na dahil napunuan na ang lahat, sobra-sobra pa,” saad ni Manny.

“Ang relationship namin, talagang malapit na. Lalo pang gumanda yung relationship namin ngayon.”
Sa isang banda, hindi na kami magugulat kung one of these days, makikita na rin na nagla-live streaming si Senator Manny ng online game na Mobile Legends katulad ng ibang artista tulad ni Alden Richards dahil nga siya ang Mobile Legends: Bang Bang Philippine Ambassador. Eh, ang mga anak niya ay may mga sariling You Tube vlog gayundin si Jinkee.

Kaya tinanong namin ito kung walang isyu sa kanya na nae-expose na talaga sa publiko ang private life nila?

“Okay naman, nakakaintindi sila. Lahat ng pangyayari at sitwasyon namin sa buhay nakakaintindi sila. Naintidihan nila yung pinanggalingan namin, kung saan nanggaling ang money ni Jinkee. Ang mga hirap na pinagdaanan namin pinapaintindi namin sa kanila para pagdating ng panahon sila naman hindi sila maging matapobre o mayabang. Gusto ko humble sila, matulungin sila, at sumusunod sa Panginoon.”

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.