Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Michael Douglas gigil sa bagong apo

0 230

Hindi mawala ang ngiti sa mukha ng Hollywood actor na si Michael Douglas nang makita nito for the first time ang ikalawang apo niyang si Ryder Douglas.

Ayon sa 76-year old actor, isang buwan ang hinintay niya bago niya makita at makarga ang ang apo mula sa eldest son niya na si Cameron at sa partner nito na si Viviane Thibes.

Pinanganak noong December 22 si Ryder at dahil sa COVID-19 pandemic, hindi agad nakabiyahe ang veteran actor dahil sa pagsunod nito sa health protocols.

Noong okey na siyang mag-travel, agad siyang pumunta sa bahay ni Cameron para makita ang bagong apo.

“First time I’ve seen my month old grandson, Ryder,” post ni Michael sa Instagram.

Ang unang apo ni Michael ay si Lua Izzy who is now 3-years old. (Ruel Mendoza)

Leave A Reply

Your email address will not be published.