Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Michael aagawin korona ni Naoya

0 37

WALANG ibang nasa kukote ni Pinoy pug Michael Dasmarinas kundi ang makuha ang inaasam na upset win laban kay reigning World Boxing Association (WBA) at International Boxing Federation (IBF) bantamaweight champion Naoya Inoue.

Nakatakda ang kanilang buntalan ngayong araw sa Virgin Hotel sa Las Vegas, Nevada, isinagawa ang official weigh-in sa parehong venue kahapon.

Kumpiyansa si Dasmarinas sa kanyang lakas kaya naman gagawin nito ang lahat para bigyan ng karangalan ang Pilipinas.

“Sana makuha natin ang panalo,” sabi ng Filipino fighter.

Naging katuwang ni Michael sa training si Hall of Famer Freddie Roach sa Wild Card Gym sa Hollywood, California bago tumulak sa Las Vegas.

Inaasahan naman na hindi basta magpapadaig si Inoue para madepensahan ang hawak na titulo. (Elech Dawa)

Leave A Reply

Your email address will not be published.