Una sa Balita

MIASCOR sinibak dahil sa Maleta Gang

By
0 2,676

Hindi maitago ni Pa­ngulong Rodrigo Duterte ang galit sa apat na empleyado ng Clark International Airport na nagnakaw sa laman ng mga bagahe ng mag-asawang overseas Filipino worker (OFW) at gustong ipapatay ang mga ito.

Personal na humingi ng dispensa ang Pangulo sa dalawang nabiktimang OFWs na sina Jovinal dela Cruz, at Rosemary Versoza, matapos ipatawag ang mga ito sa Malago Clubhouse sa Malacañang Park noong Huwebes.

Dismayado ang Pa­ngulo dahil ang pinupuntirya ng mga magnanakaw ay mga maliliit na taong naghirap magtrabaho sa ibang bansa.

Sinabi ng Pangulo na dapat makita ng publiko na hindi kinukunsinti ang mga ganitong gawain sa mga paliparan.

“Patayin mo na lang. Patayin mo na lang para malaman ng tao na ‘yun ang… Ah, p***** i** ‘yung… Hindi ko, hindi ko ‘to — walang areglo diyan. ‘Pag hindi, parusahan ko kayo. Kung hindi ninyo gawin, ako ang papatay diyan,” galit na pahayag ni Pangulong Duterte.

Inatasan din ng Pa­ngulo ang mga opisyal ng Clark International Airport na humingi ng dispensa sa publiko dahil sa palpak na trabaho ng mga ito, kasabay din ang utos sa mga biktima na huwag magpaareglo para mabigyan ng leksiyon ang mga nagnakaw sa laman ng kanilang mga bagahe.

Kasabay nito, iniutos ng Pangulo na tapusin na ang kontrata sa Manila Integrated Airport Services Corporation (MIASCOR) na siyang may hawak sa mga taong nangangasiwa sa bagahe ng mga pasahero sa mga paliparan sa bansa at maghanap ng ibang mapagkakatiwalaan.

Inihayag naman kahapon ni Manila International Airport Authority (MIAA) general manager Ed Monreal na tinanggalan na ng kontrata ang MIASCOR bilang cargo ground handler.

Inamin pa ni Monreal na ilang beses nang nasasangkot sa nakawan ng mga bagahe ang ilang empleyado ng MIASCOR kaya’t kailangan nang baklasin ang kontrata nito.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy