Una sa Balita

Mga worker ng Nutriasia-Campos nagpasaklolo kay Duterte

0 507

NANAWAGAN ang Center for Trade Union and Human Rights sa mga opisyal ng gobyerno, kabilang na kay Pangulong Rodrigo Duterte, na palayain ang 17 manggagawa ng NutriAsia na umano’y iligal na inaresto ng mga awtoridad noong nakaraang buwan.

Ang mga manggagawa ng pabrikang minamay-ari ng mga Campos ay nagsagawa ng strike noong Hulyo 6, 2019 dahil sa labor-only contracting, illegal deduction ng sahod, forced overtime, underpayment ng overtime pay at harassment at fabrication ng kaso laban sa ilang miyembro ng unyon.

Ang welga ay binuwag ng mga security guard at upahang tao at gumamit ng bulldozer para mawalis ang mga nagpoprotesta. Inaresto din ng Cabuyao police ang 17 striker, 14 kalalakihan at 3 kababaihan kung saan ilan umano sa mga babae ay tsinansingan pa ng mga pulis.

Ang mga inarestong mangga­gawa ay kinasuhan ng arson, serious and slight illegal detention, malicious mischief, robbery, grave coercion at theft. Inilipat sila ng Provincial Jail sa ilalim ng Bureau of Jail Management and Penology kahit walang court order umano.

Nakakulong pa rin ngayon ang 17 manggagawa dahil sa pinataw sa kanila ang P700,000 piyansa para sa pansamantalang kalaya­an na hindi naman nila kayang bayaran.

Ito rin ang hinaing ng mga manggagawa sa NutriAsia plant sa Marilao, Bulacan nang mag-strike sila noong 2018.

Ang kanilang manifesto ay kanilang ipinarating kay Pangulong Duterte, Labor Secretary Silvestre Bello, Justice Secretary Menardo Guevarra, Philippine National Police chief General Oscar Albayalde, Commission on Human Rights at sa mismong may-ari ng NutriAsia na si Joselito Campos Jr.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy