Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Mga worker ‘di puwedeng pilitin paturok – DOLE

0 90

NILINAW ni Labor Secretary Silvestre Bello III na ang naiulat na “no vaccine, no work” policy ng ilang kompanya ay iligal.

Ayon kay Bello ang mga manggagawa ay hindi maaaring pilitin na magpabakuna laban sa COVID-19 kung ayaw nila.

Binigyang-diin pa ni Bello na ang isang “no vaccine, no work” policy ay maaaring ituring bilang “diskriminasyon”.

Sa kasalukuyan aniya, ang bansa ay walang sapat na suplay ng mga bakuna sa COVID-19 upang mabakunahan ang mga manggagawa.

Dagdag pa niya walang ganyang patakaran, kung sino man ang employer na gumagawa niyan, alam niya na mali ang ginagawa niya.

Ang “no vaccine, no work” policy ay lumabas matapos magsumbong ang ilang manggagawa sa sektor ng agrikultura, manufacturing at services sector sa Associated Labor Union (ALU) ukol dito.

Sinabi ng ALU na karamihan sa mga reklamo na natanggap nito ay mula sa mga manggagawa sa hotel, restoran at BPO.

“Meron tayong tinatawag na Anti-Discrimination Law. ‘Yong discrimination ay iba-ibang klase na porma at uri ngunit sa aming paningin, isa itong uri ng discrimination,” sabi ng tagapagsalita ng ALU na si Alan Tanjusay.

Kung kaya’t tutulungan aniya nila kung mayroong mga manggagawang magrereklamo para magsampa ng kaso. (Mina Navarro)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.