Una sa Balita

Mga wish sa SONA ng Pangulo

0 375

Dear Abante:
Nalalapit nanaman ang pang-apat na State of the Nation Address o SONA ni Pangulong Duterte simula nang siya ay maihalal na pangulo ng ating bansa.

Bilang isang mamamayang Pilipino, masaya at kontento naman ako sa pamamalakad ng ating pangulo kasama ng iba’t ibang ahensiya ng ating bansa.

Bagaman hindi naman talaga ganon kaperpekto at mayroon pa rin talagang pasaway sa ilang ahensiya, halata namang malaki talaga ang ipinagbago ng mga ito at isa ito sa mga natupad na pangako ng pangulo sa nakaraang mga SONA nito na tatanggalin n’ya ang mga korap.

Related Posts

Nasisigurado kong marami nanaman ang ibibida ng pangulo sa kanyang SONA at marami nanaman siyang panukala. Sigurado rin akong marami ang papalakpak at marami rin ang tataas ang kilay sa mga maaaring sasabihin niya lalo na yaong kanyang mga masugid na kritiko. Tiyak na marami akong aasahan sa magiging SONA ng pangulo at tiyak na ikatutuwa rin ito ng kapwa ko Pilipino lalo na kaming mahihirap.

Nawa’y sa magiging SONA nito ay patuloy nitong paigtingin ang pagsugpo at paglaban sa iligal na droga, terorismo, korapsiyon at iba pa at sana’y bawat isa sa atin ay sumuporta sa adhikain ng ating pangulo at ma­kinig sa SONA nito.
John Brian T. Gateb

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy