Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

‘Mga wala kayong bayag!’ Nadine tinalakan mga kalaban ni James

0 237

Talak tung talak, with class siyempre, ang iginanti ni Nadine Lustre sa mga basher na walang ginawa kundi ang wasakin ang ‘relasyon’ nila ni James Reid. Karamihan nga sa mga basher na ito ay galit na galit kay James, dahil naniniwala silang ginagamit, o nambababae talaga si James, at niloloko si Nadine.

Pero dahil sa galit nila kay James, nadadamay na rin si Nadine. Bet kasi nila na magsalita si Nadine at tila kumalas na kay James.

Anyway, may kumalat ngang photo ni James na may kasamang tatlong babae, at isang lalake. Dinner ang setting, at nasa aktong nagchi-cheers silang lima, at todo smile.

Sa Instagram account ni @halucynation mo makikita ang photo na `yon. Na ang caption ay: “What a lovely Friendsgiving dinner! An incredible success with great food and great conversation. Eating with like minded people, exchanging thoughts, laughing, it’s the simple things that really make for the best memories. 🥂 to the fun side of adulting. Can’t wait for the next one. Btw, @laurenreidabook needs her own cooking show!!! Let’s make it happen universe. Her pecan pies were so addicting 🤤🤤🤤 #friends #friendsgiving #dinner #dinnerparty #adulting #cooking #food #company #laughs #adamngoodtime.”

At heto nga si @divaklash at agad na tinag ako sa photo na `yon. Heto nga ang chika niya:

“Dondon Sermino new gf ni James Reid ‘yung naka-black, si @halucynation. Kinaibigan ni Nadine ‘yan.”

Siyempre, dinedma ko lang sa simula, dahil araw-araw naman ay maraming nagta-tag sa akin ng kung ano-anong chika tungkol sa mga artista.

Pero, dahil pinatulan na ni Nadine Lustre ang chikang `yon, kaya heto at pinatulan ko na rin para sa kolum ko dito sa Abante.

“uhm… I was actually invited. #jokesonUlol. #2020namagbagokana,” sabi ni Nadine.

Kaaliw `yung hashtag na ‘jokes on ulol’, di ba? Kaya aliw na aliw kahit ang may-ari ng IG na `yon.

“Nadine, hahahahaha! #youhearditherefirst!” sabi pa ni @halucynation.

Eh, ayaw pang tumigil ng ibang hater, basher, at may mga sumawsaw pa na iba, na tila pinipikon talaga si Nadine.

“Haters who use fake accounts don’t have balls. #sadly!” resbak sa kanila ni Nadine.

SM food to go Banner Ad

At siyempre, may ganting talak ang mga kalaban ni Nadine:

kule.tte: “@nadine and does your dyowa has balls? Such a nerve, pasikat ka naman day! Has been in the house!!!”

flotsamakers: “@nadine PIKON kasuka ugali mo. Tanggapin mo di ka na gusto ni James kasi naging mas masahol ka pa sa ex niya na si Ericka. Look at yourself. Hindi na ikaw yan. Ibang iba ka na. Eww.”

Oh, di ba? Kaloka mang-atake ang mga basher, hater nina Nadine at James. Talagang pipikunin ka nila.

Kaya ang nakakatawang sagot sa kanila ni Nadine:

“@lookoutv2 utot mo blue!”

lookout’s (@lookoutv2) profile on Instagram • 0 posts
0 Followers, 0 Following, 0 Posts – See Instagram photos and videos from lookout (@lookoutv2)

May iba naman na nagsasabing fan sila, at inoobliga nga si Nadine na magsalita na sa tunay na sitwasyon nila ni James. Pero sabi nga ni Nadine:

“Also, if you shit on other people, you are not my fan. No exceptions. We don’t welcome hate in our house.”

At siyempre, sa huli, nagsuportahan ang mga magkakaibigan.

“The goddess has spoken,” sabi naman ni halucynation para kay Nadine.

“Love you forevs,” sey naman ni Nadine.

“Nadine tight back at you forevaeva,” ganting sagot ni halucynation.

Well, bongga rin na paminsan-minsan pumapatol ang mga artista, alang-alang sa pagtatanggol sa kanilang mga kaibigan.

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.