Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Mga wagi sa eleksiyon nanganganib ma-disqualify

0 93

Nahaharap sa diskuwalipikasyon ang ilang nanalong kandidato sa 2022 elections.

Ayon kay Commission on Elections (Comelec) Commissioner George Garcia, dahil ito sa nagawa nilang mga election-related offense gaya ng vote buying.

Gayunpaman, hindi pinangalanan ni Garcia ang mga kandidato na nahaharap sa disqualification case.

“May mga kumandidato na nanalo, sa ating pagkakaalam, na mayroong kinakaharap na disqualification case dahil sa issue ng vote buying at sa issue ng election offense,” pahayag ni Garcia sa panayam sa TeleRadyo kahapon.

Tiniyak niyang kaya pang tanggalin ang mga naturang kandidato kahit na nanalo na sila.

“Ngayon po ang tanong: Mahahabol n’yo pa ba ‘yan kahit na sila ay nanalo na? Ay, opo naman. Just the same, tatanggalin at tatanggalin din namin ‘yong kandidato kahit nanalo na,” dagdag niya. (Issa Santiago)

Leave A Reply

Your email address will not be published.