Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Mga vlogger tiklop sa paniningil ng BIR

0 117

Nanawagan ang isang grupo ng mga vlogger o social media influencer sa bansa na maglagay ang Bureau of Internal Revenue (BIR) ng mga mekanismo para makapagbayad ang mga taxpayer sa digital platform.

Sa isang pahayag, nagpahayag din ng pasasalamat ang Creator and Influencer Council of the Philippines (CICP) sa paglilinaw umano ng BIR kung paano ang kuwenta ng buwis sa mga social media influence at kung paano sila makikinabang para maiwasan ang double taxation.

Subalit nakiusap ang CICP sa BIR na maglagay na ng mga mekanismo para mas madaling makasunod ang mga taxpayer sa mga obligasyon nila sa ahensiya kung may digital platform para dito.

Sabi pa ng CICP na magagalak silang magkaroon ng dayalogo sa BIR para sa ganitong layunin na pakikinabangan ng lahat ng taxpayer at hindi lang ng mga social media influencer.

Ang pahayag ng grupo ay kasunod ng babala ng BIR na sisingilin o hahabulin nito ang mga dayuhang vlogger na hindi umano nagbabayad ng buwis. (Eileen Mencias)

Leave A Reply

Your email address will not be published.