Una sa Balita

Mga venue sa Palaro ininspeksiyon ng PSC

0 315

BINISITA ng Philippine Sports Commission (PSC) at ng ­Department of Education (DepEd) ang mga pasilidad na gagamitin sa mga kompetisyon ng Palarong Pambansa 2020 na gaganapin sa Marikina City.

Nakipagpulong din sina DepEd Secretary Leonor Magtolis Briones at PSC Chairman William Ramirez kahapon kay Marikina City Mayor Marcelino Teodoro upang pag-usapan ang pagha­handa para sa Palaro 2020 na isasagawa sa darating na Mayo 1-9.

Asam nina Briones, Ramirez at Teodoro ang matiwasay na pagsasagawa sa taunang multi-sports na kompetisyon na inako ng lokal na pamahalaan ng Marikina City matapos umatras ang orihinal na nagwaging host na Occidental Mindoro sa una sana nitong pagho-host sa ­torneo.

Una nang ipinaalam ni Department of Education (DepEd) Undersecretary Atty. Revsee ­Escobedo, na ­Secretary-General ng Palaro, ang pag-ako ng ­Marikina City sa torneo bilang ­kapalit ng original host ­Occidental Mindoro.(Lito Oredo)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More