Una sa Balita

Mga turista bumuhos sa Biniray Festival

0 220

Ni Rona Ronda

Hindi mahulugang karayom ang dami ng taong dumayo sa Biniray Festival ng Romblon nitong Sabado, January 11 kung saan ay libo-libong tao ang nakisaya sa taunang piyesta ng lalawigan.

Nagtungo ang Abante team sa Romblon upang masaksihan ang makulay at maingay na selebrasyon. Mainit ang naging pagtanggap ng mga Rombloanon sa mga lokal at dayuhang turista.

Ang Biniray Festival ay ang isang linggong pagdiriwang at pagpupugay sa Señor Sto. Niño de Romblon.

Sa buong linggo ay mapapansin ang pagkasabik ng mga Rombloanon sa pagbaba ng kanilang poon.

Naging makulay at maingay ang parada ng iba’t ibang tribu ng buong lalawigan.

Ang katawan ng mga mananayaw sa parada ay dinekorasyunan ng mga bagay na ipinagmamalaki ng kanilang barangay.

Sa bawat tugtog ng banda ay ang pag-indak ng mga Rombloanon bilang pagpupugay sa Señor Sto. Nino de Romblon. Ang parada ay nagsimula sa Romblon National High School at umikot sa plaza patungong Romblon port na kung saan ay inihatid ang poon sa RO/RO para sa Fluvial parade.

Napakasaya ng ‘Biniray Festival’ Viva Viva Sto. Niño de Romblon at sa puntong iyon ay naramdaman ng Abante team ang pusong ‘Rombloanon’ sa tinaguriang ‘Heart of the Philippines’.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More