Una sa Balita

Mga trabahong in-demand

By
0 1,939

Bago magsara ang taong 2018, inilabas po ng DOLE ang JobsFit 2022 Labor Market Information (LMI) Report na naglalaman ng mga lumalagong industriya at mga trabahong in-demand sa bansa ngayon hanggang taong 2022.

Napakahalaga po ng report na ito dahil ipi­nababatid nito sa ating mga kababayan ang mga trabahong dapat nilang paghandaan sa susunod na apat na taon. Labor market signal din po ito sa ating mga eskuwelahan at mga training institution para muling tasahin o rebyuhin ang kanilang mga programa o kurikulum.

Makakatulong po ang report para maibsan ang matagal na nating suliranin na job-skill mismatch o ang hindi angkop na training sa pangangaila­ngan ng mga employer o industriya. Nangunguna po ngayon ang mga trabaho sa hotel and restaurant, tourism, agribusiness, IT-BPM, health and wellness, wholesale and retail trade, transportation and storage, real estate, manufacturing, power utilities at cons­truction. Magkakaroon din po ng mas mataas na demand sa mga ­‘emerging’ o sumisibol na mga industriya tulad ng business process analyst, data scientist, mobile app developer, nanotechnolo­gy, social media analyst, at maging mga TNVS driver tulad ng Grab.

Ayon pa sa report, mas nahihirapan pong makapasok sa trabaho ang mga college graduate o undergraduate kumpara sa mga aplikanteng mas mababa ang educational attainment tulad ng mga graduate ng tech-voc.

Umaabot po sa 825,000 na mga college undergraduate o college degree holder ang walang trabaho noong 2017 at patunay po ito na talagang maraming estudyante ang nagsisiksikan sa mga sikat subalit oversubscribed na mga kurso lalo na sa kolehiyo.

Kaya muli po nating ipinapanawagan sa ating mga kababayan na pag-aralang mabuti ang mga kursong kukuhanin sa kolehiyo o mga training center para hindi sila maging tambay pagkatapos ng graduation. Kaugnay nito, isinulong po natin sa Senado ang Tulong-Trabaho Bill para mabigyan ng oportunidad ang mga walang trabaho at maihanda ang mga kasalukuyang manggagawa sa mga trabahong indemand ngayon.

Ang magandang balita, naisumite na po ito ng Kongreso sa Malacañang noong January 24 at hinihintay na lang po natin ang lagda ng Pangulo para tuluyan na itong maging ganap na batas. Patuloy po nating pagtutugmain ang edukasyon at training­ sa mga eskuwelahan at pangangailangan ng mga industriya para makalikha po tayo ng mas maraming­ trabaho at matiyak ang pag-asenso ng bawat pamilyang Pilipino. Job Fair Schedule ACES Polytechnic College Job Fair ACES Gym, San Francisco, Panabo City February 18 PESO Isulan Job Fair Brgy. Kolambog, Isulan, Sultan Kudarat February 19 Job Fair Caravan 2019 Dau Homesite Ele­mentary School Covered Court Dau, Mabalacat City February 20 (senatorjoelvillanueva@yahoo.com)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy