Una sa Balita

Mga top cocker babanat sa Pasay

0 193

MGA sikat na sultador ang magtatagpo sa Pasay City Cockpit para sa pagbubukas ng 2020 cock season ngayon, ang “Lucas 4-Cock Derby”.

Kasali rito ang mga piling miyembro ng National Cockers Alliance (NCA), Laguna Gamefowl Breeders Association (Lagba) at Luzon Gamecock Breeders Association (LGBA).

Nakasuporta ang Sagupaan Superfeeds at Complexor 3000 sa pasabong na ito ng Lucas group at PCC llamador Jerald Picazo.

Inihahanda rin ang “Erica and Friends 4-Cock Derby” sa Jan. 17 at “Ace and Elbie 4-Cock Derby” sa Jan. 24.

Samantala, sa Feb. 14, 21 at 28 (first leg) ang bagong iskedyul ng “LGBA’ 2020 Cocker of the Year” race.

May format ito na 7-cock derby (3-cock elims at 4-cock finals) at premyong P1 milyon.

Sa detalye: 0945-4917474 (Erica); 0939-4724206 (Ace) o 8843-1746 at 8816-6750. (Enjel Manato)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More