Una sa Balita

Mga tomboy, boylet nabaliw sa kaseksihan ni Maja sa Maldives

By
0 2,053

Whaaattt? Si Maja Salvador nagsariling-sikap? Korek! Totoo ang tsismis na nagsariling sikap ang Kapamilya bombshell at ito ay galing na rin sa kanya, noh!

At heto pa? Hindi basta dito sa Pinas niya ginawa ang pagsariling sikap na yun, kundi sa bonggang isla pa ng Maldives. O, devah? Ikaw na talaga, Maja!

But wait, noh? Far from what the malilisyosong thiniking individual ang ibig sabihin ng sariling sikap na yun, noh!

Abante Hiring – IT dep

Walang sexual connotations yun kundi it has something to do with her selfie- selfie eklavuh, noh!

Yes!!! Ito nga ang eksena niya sa paraisong lugar na yun malayo sa init ng ating bansa upang i-enjoy ang crystal clear waters at breathtaking sightseeing.

Halos nababaliw ang mga kalalakihan at katomboyan sa selfie niyang iyon na naka-two piece green swimwear siya na kinunan sa facade ng kanyang tinutulyang beach house.

Aside from that, may paandar din siya in a black two-piece swimwear din by the beach front na mas lalong nagpainit sa summer feel ng mga ilusyunadong menchu.

Naku, facial expression pa lang ni Maja sa mga pics ay sapat na para maakit sila, noh.

Parang ang drama niya ay c’mon and get me, huh!

Anyway, enjoy na enjoy siya lalo na sa underwater churva niya playing with the fisheseses ng dagat, devah? Tama lamang na i-enjoy niya ang bakasyon niya dahil pagbalik niya ay work-to-death naman siya para sa isang teleserye.

Korekek!

Joshua, McCoy, Jerome, Nash tumitindi ang iringan

Mas lumalaki ang iringan ngayon ng mga solid fans nina Joshua Garcia, McCoy de Leon, Jerome Ponce at Nash Aguas.

Mukhang merong labanan ngayon kung sino ba talaga sa apat na ito ang best actor base sa mga sterling performances nila sa The Good Son.

Parang may pa-survey pa ang iba kung sino ba talaga ang tunay na angat sa apat na kahit sa umpukan ng mga showbiz writers ay napag-uusapan ito.

No doubt na lahat sila ay magagaling sa Kapamilya teleserye na The Good Son.

Una ay litaw na litaw si Joshua, pero habang nabibigyan ng kanya-kanyang moments sina McCoy, Jerome at Nash, hayun na, nagpapaligsahan na ang mga fans para sabihing ang idolo niya ang pinakamagaling.

Yes, in fairness, bravo sa acting ng apat na ito na hindi naman nag-o-overacting.

Lagi silang in character na may kanya-kanyang moments to shine.

Kaya nga, for sure, sa darating na mga awards for TV, sasakit ang mga ulo ng mga hurado at voting members kung sino sa apat ang kanilang iboboto dahil halos pantay-pantay ang kani-kanilang moments of good performances.