Una sa Balita

Mga tiyanak, bangkay, kaluluwa, multo bibida sa ‘Gabi ng Lagim VI KMJS’

0 2,392

Kung sa mga pelikula may Shake, Rattle and Roll series, sa telebisyon naman, mula pa nu’ng 2013, may abante-paistaran-dondon-serminoGABI NG LAGIM Kapuso Mo, Jessica Soho Special na. Tampok dito ang pinaka-nakapangingilabot na karanasan ng mga manonood.

Binago ng KMJS Gabi ng Lagim ang paggawa ng horror documentary sa pagkakaroon ng mala-pelikulang pagsasadula sa tulong ng mga batikang direktor ng pelikula at telebisyon. At sa kauna-unahang pagkakataon, hindi lang tatlo, kundi apat na istorya ng kababalaghan ang tampok sa GABI NG LAGIM VI!

Mayaman at madugo ang kasaysayan ng diumano’y mala-kabaong na hugis na Manila City Hall. Kaya ba magpahanggang ngayon, marami pa rin daw ang pagala-gala ritong mga kaluluwa? Sa direksyon ng KMJS Director na si Rember Gelera, pakinggan ang mga katakot-takot na kuwento ng katatakutan ng mga empleyado rito.

Sa Kabisayaan, hindi pa rin mamatay-matay ang kuwento tungkol sa mga bangkay na nagbabalik raw mula sa hukay. Sa Amaranhig ng Cannes Film Festival director na si Adolf Alix Jr., magtatayuan ang inyong mga balahibo sa mga patotoo ng mga nakakita diumano ng Amaranhig. Saan nga ba nag-ugat ang ganitong kuwento?

Baka atakihin ka sa puso sa istor­yang ito pero ipanalangin mong hindi ka itakbo sa isang ospital sa Pampanga kung saan meron diumanong Tiyanak! Hahawakan ng Peabody winning Director na si Aaron Pappins Mendoza ang naturang kuwento.

Kilala niyo ba si Jay Costura? Siya ang binansagang Nostradamus ng Social Media matapos niyang mahulaan ang pagsadsad ng Xiamen Airlines, ang pagkasunog ng isang resort casino, ang buhawi sa Marikina at iba pang mga trahedya. Patunay rito ang mga Facebook posts niya, na nangyari bago maganap ang mga naturang sakuna.

Ang bida sa Cinemalaya classic na Ang Pagdadalaga ni Maximo Oliveros na si Nathan Lopez ang gaganap na Jay Costura sa Third Eye sa direksyon ng Cinemalaya winner na si Zig Dulay.

Sa pangunguna pa rin ni Ms. Jessica Soho, ‘wag pahuhuli sa taunang inaaba­ngang Undas Special ng bagong henerasyon — GABI NG LAGIM VI Kapuso Mo, Jessica Soho Halloween Special ngayong Linggo ng gabi sa GMA-7.

 

‘Tawag ng Tanghalan’ pinakamatagumpay, pinarangalan sa Best Choice Awards

Selyado na ang trono ng “Tawag ng Tanghalan” bilang ang pinakamatagumpay na singing-talent competition sa bansa nang para­ngalan ito kamakailan seal of excellence ng Best Choice Awards 2018.

Dahil sa mga sunod-sunod na tagumpay, kalidad, at ma­kabagong proyektong inilun­sad nito, iginawad sa Kapamilya singing competition ang titulong Most Successful Singing-Talent Competition in Philippine Television ng Best Choice Awards, na nag­lalayong kilalanin ang mga bukod-tanging indibidwal, produkto, at kumpanya sa bansa.

Kinilala rin sa Best Choice Awards ang “Tawag ng Tanghalan” grand champion na si Noven Belleza bilang Best New Male Singing Artist at si Marielle Montellano naman bilang Best New Female Singing Artist.

Mula naman sa telebisyon, lumaki na rin ang “TNT” at tumawid na sa online world ang pagbibigay ng world-class performances sa pamamagitan ng YouTube channel nitong TNT Versions o TNTV, kung saan binabalik-balikan ng fans ang mga orihinal na awitin at ekslusibong renditions ng classic hits ng TNT singers. Patok ito sa online listeners at kamakailan ay nakatanggap ng Silver Creator Award mula sa YouTube dahil sa pagkakaroon nito ng 100,000 subscribers. Sa ngayon, mayroon na itong halos 200,000 subscribers.

Ngayong taon, gumawa rin ng kasaysayan ang “Tawag ng Tanghalan” dahil sa unang pagkakataon sa bansa, nagbigay-daan ang isang singing competition sa pagbuo ng isang record label, ang TNT Records, na naghahandog ng bago at orihinal na mga awitin mula sa TNT singers.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy