Una sa Balita

Mga tipster hilo sa Race 4

0 257

NAHIHIRAPAN ang mga karerista sa pagpili ng kanilang tatayaan sa magaganap na Condition Race Category 20 na ilalarga ngayong araw sa San Lazaro Leisure Park sa Caona, Cavite.

Magkakaiba ang napipisil na pang-primera ng mga karera tipster sa programa kaya ang iba ay kumukuha ng mahigit tatlo para isama sa tatayaan nilang Winner Take All.

“Mahirap na karera ‘yung sa Race 4, kahit ­siyam lang ang tatakbo ay hindi ka pa rin sure kung ­mananalo kahit tatlo ang piliin mo,” kuwento ni Benito Valdez, off-track bettor.

Ang naipisil ng mga tipster na pang-primera ay sina Bond’s Mission, Beyond D’ Sea at Harley Margarette.

Ang ibang kalahok sa event na suportado ng Philippine Racing Commission, (PHILRACOM) ay sina Double Rock, Classic Gee, Titanium, Isa Pa Isa Pa, Blue Blood at Magat Salamat. (Elech Dawa)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More