Una sa Balita

Mga tip ng guro para ‘wag mangopya sa exam patok sa social media

By
0 610

Patok sa social media ngayon ang tip ng isang guro sa kanyang mga estudyante sa Naga City para huwag mangopya sa kanilang pagsusulit.

Kinunan ng estudyanteng si Kathlin De Leon ang test paper na inihanda ng kanyang gurong si Marvin Pila ng Bicol State College of Applied Sciences and Technology (BICAST) at ipinost sa Facebook.

Nagustuhan ng mga netizen ang mga paalala ni Pila sa kanyang mag-aaral dahil sa punong-puno ito ng hugot lines.

Ilan kasi sa mga paalala ng guro sa kanyang mga mag-aaral ay: “Huwag kang lilingon sa katabi mo, baka magkatitigan pa kayo ma-inlove ka pa…Eww ‘di ba?”

“Mas madali itong sagutin kesa sa tanong ng manlolokong bf/gf mo sa ‘yo na “Mahal mo pa ba ako?”

“Do not cheat. Naranasan mo na ang maloko, ANG SAKIT DI BA? All caps yan para ramdam mo”

Sinabi ni De Leon na nagkatawanan umano silang magkaklase dahil madali lang naman ang exam.

Ipinaliwanag naman ni Pila na ginawa niya ang hakbang na ito upang maengganyo ang kanyang mga estudyante na matuto.

Kahit may mga pumuna sa ginawa ni Pila, marami naman ang natuwa sa ginawa ng titser.

“Wish he was my teacher,” komento ng isang Facebook user.

“Talagang walang kopyahan pag ganyan,” sundot naman ng isang user.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy