Una sa Balita

Mga tip ng DOH sa pag-iwas sa heat stroke

0 182

PINAG-IINGAT ng Department of Health (DOH) ang publiko laban sa nakamamatay na heat stroke at iba pang karamdaman ngayong Holy Week.

Ginawa ni Health Secretary Francisco Duque III ang pahayag dahil lalo pa umanong titindi ang nararanasang init ng panahon sa bansa.

Nagbigay rin ng ilang tips ang kalihim upang makaiwas sa mga karamdaman sa panahong mainit ang panahon.

Para sa mga nagbabalak na mag-Visita Iglesia sa Mahal na Araw pinayuhan ni Duque ang publiko na dapat na magbaon ng bottled water at palagiang uminom ng tubig para makaiwas sa dehydration.

Magbaon din ng mga pagkain na hindi madaling masira upang hindi malipasan ng gutom.

Siguruhin rin na mayroon dalang pananggalang sa init tulad ng sumbrero at payong.

Habang ang mga nagpepenitensiya ay pinayuhan ng kalihim na tiyaking sterilized ang mga pakong gagamitin sa kanilang pagpapapako upang makaiwas sa tetano.

Sa mga taong may iniindang hypertension at iba pang karamdaman na maaaring lumala dahil sa labis na init at pagkabilad sa araw, ay pinayuhan rin ni Duque na tiyaking may baong maintenance medicine araw-araw.(Juliet de Loza-Cudia)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy