Una sa Balita

Mga tinale ni Antonio, iba pa handa na sa World Slasher Cup

0 633

MAKIKILATIS ang mga former champion at ve­teran breeder sa magaganap na World Slasher Cup 2019.

Maraming kasaling matitikas na foreign at bagong sibol na breeder sa event na magsisimula sa Enero 28 at magtatapos sa Pebrero 6 sa Smart Araneta Coliseum.

Handang-handa na ang mahigit 100 entries para bitawan ang kanilang mga panlaban sa pangunguna ng sikat na Sagupaan endorser at defending WSC-1 champion Patrick ‘Idol’ Antonio.

Muling ibabandera ni Antonio ang kanyang pambatong Boston Sweater para ibangga sa kapwa niya tigasing sabungero.

Kasali rin si WSC-2 champion Rey Briones at ibang mga kampeon na sina Frank Berin Escolin brothers at Magno Lim at Gerry Tesorero.

Inaasahang lalahok ang ibang beteranong sabungero tulad ni Doc Ayong Lorenzo na sasandalan ang kanyang Dan Gray crossed with Cla­ret at Sweater Yellow-Legged Hatch nito para makapasok sa finals. 

Kakapit naman si PitGames CEO Manny Berbano sa kanyang 5k Sweaters crossed with Yellow-Legged Hatch ni DinkFair at Mel Sims black Kelso Greys ni Bobby Fairchild para masilo ang inaasam na titulo.

Ilalarga ang three-day 2-cock Eliminations sa Enero 28-30, habang magsisimula ang 3-cock semis  sa Enero 31 hanggang February 2.

Ikakasa ang 4-cock Pre-Finals sa Pebrero 3-4 at sa Pebrero 6 ang 4-cock Grand Finals on February 6. 

Magkakaroon ng one-day break bago ang Grand Finals, depende sa dami ng sasali. (Elech Dawa)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy