Una sa Balita

Mga testing kit ng DOH nadagdagan

0 413

Inihayag ng Department of Health(DOH) na nadagdagan na ang mga test kits para sa COVID-19.

Ayon sa DOH, bilang karagdagan sa 1,300 na available na test kits at bagong deliber na 2,050 kits mula sa China at South Korea, may inaantabayanan na silang 120,500 units pa ng test kits mula sa mga bansang China, Korea at Brunei upang magamit sa pagtukoy ng COVID-19 patients.

Magugunitang inaprubahan ng Food and Drugs Administration (FDA) ang paggamit ng apat na test kits para sa commercial use ngunit hindi maaaring mabili sa mga botika.

Walong manufacturer ng COVID-19 testing kits naman ang pinayagan ng FDA na magamit sa mga laboratoryo matapos na makatugon sa pamantayan.(Juliet de Loza-Cudia)

Abante – Wendys Inhouse Ad

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More