Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Mga teroristang dayuhan bantay-sarado sa Immigration

0 114

Mahigpit na mino-monitor ng mga tauhan ng Bureau of Immigration (BI) ang lahat ng daungan sa bansa para mapigilan ang anumang tangkang pagpasok dito ng mga international terrorist.

“Our personnel in all international airports and seaports nationwide are always on alert to prevent these foreign terrorists from slipping into the country,” sabi ni BI Commissioner Jaime Morente sa kanyang pahayag.

Ayon kay Morente, ang mga immigration officer (IO) partikular na sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ay ‘extra cautious’ sa pagpayag sa pagpasok ng mga dayuhan, lalo na ang may kaduda-dudang dahilan.

Ang mga dayuhan aniya na sa palagay nila ay banta sa kaligtasan ng publiko ay isasailalim sa pangalawang inspeksiyon.

“Those who fail to satisfactorily explain their purpose in coming are turned away and booked on the first available flight back to their port of origin.”

Tiniyak ni Morente na ang BI ay patuloy na nagpapanatili ng isang database ng mga pinaghihinalaang international terrorist at ang anumang pagtatangka ng mga ito na makapasok sa bansa ay tiyak na mabibigo ng mga IO sa mga port of entry.

“We have a shared database with numerous local and international intelligence agencies including the Interpol. This database and other derogatory files are integrated into the electronic system, regularly updated, and is used by our immigration officers in processing and conducting arrival forma­lities for passengers, thus allowing us to detect such attempts.”

Idinagdag pa ng BI chief na dahil sa patuloy na pagbabawal sa paglalakbay kasunod ng COVID-19 pandemic, mananatiling pinaghihigpitan ang pagpasok ng mga dayuhan.

Naglabas ang BI ng pahayag kasunod ng mga ulat ng banta ng terorismo sa ilang mga bansa sa Timog-Silangang Asya, kabilang ang Pilipinas.

Gayunpaman, sinabi ng mga lokal na awtoridad na ang mga ulat ay hindi pa nakumpirma at napatunayan, habang iniimbestigahan at sineseryoso ang nasabing impormasyon. (Mina Navarro/Otto Osorio)

Leave A Reply

Your email address will not be published.