Una sa Balita

Mga terorista balik sa panggugulo

0 267

Dear Abante,
Wala na naman sigurong magawa ang mga teroristang grupo sa bayan ng Basilan. Akalain mong tinambangan na naman nila ang tatlong sundalo na tanging ang intensyon ay mamalengke lang sa bayan ng Barangay Sabong at Campo Uno sa Lamitan Basilan.

Matapos ang mapayapang eleksyon ay nagsisimula na naman ang mga teroristang ito sa panggugulo at walang patas na pakikitunggali sa mga kasundaluhan.

Dito mo rin talaga mapapatunayan na mga bahag ang bontot ng mga taong ito dahil ayaw nilang akoin ang kanilang mga kawalang-hiyaan at nagtatago na lamang sila bilang anino ng ibang grupo.

Tumigil na sana ang mga teroristang grupong ito dahil sa totoo lang, sila talaga ang sumisira sa imahe ng mga kababayan nating Muslim. Dapat na iwanan na nila ang kanilang walang kabuluhang pakikibaka para naman makamit na ng mga taga-Basilan ang tuloy-tuloy na magkaroon ng katuparan ang inaasam na katahimikan at mapayapang Basilan.

John Brian T. Gateb

Magkomento sa mga isyu ng bayan. Para sa inyong saloobin, mag-email sa abantetonite@gmail.com upang maipaabot sa mga kinauukulan.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy