Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Mga telco nalulusutan ng trabaho scam

0 98

Sa ikatlong pagkakataon, nagpalabas ng kautusan ang National Telecommunications Commission (NTC) sa mga kompanya ng telekomunikasyon na magkalat ng mga babala sa publiko sa gitna ng pagpapatuloy ng spam text messages na umaakit sa mga gumagamit ng cellphone ng mga trabahong may mataas na suweldo.

Sa memorandum na may petsang June 29, inatasan ng NTC ang mga telecom na ipadala sa kanilang subscribers mula July 5 hanggang July 11 ang mga sumusunod na mensahe:

“HUWAG PONG MANIWALA SA TEXT NA NAG-AALOK NG TRABAHO NA MAY PANGAKO NA MA¬LAKING SWELDO. ITO PO AY ISANG SCAM.”

Nauna nang naglabas ang NTC ng mga katulad na kautusan pero patuloy ang mga scammer sa pambibiktima. (Betchai Julian)

Leave A Reply

Your email address will not be published.