Mga tao ni Duterte, labu-labo sa mining

By

Labu-labo pa rin ang mga opisyal ni Pangulong Rodrigo Duterte sa iba’t ibang usapin lalo na sa isyu ng pagmimina sa bansa na unang ginamitan ng ‘kamay na bakal’ ni Evironment Seretary Gina Lopez matapos ipasara ang mga delingkuwente at iresponsableng mining firms.

Sinuportahan ni Surigao del Norte Rep. Robert Ace Barbers ang suspension ni Executive Secretary Salvador Medialdea sa direktiba ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) na maglagay ng P2 million trust fund sa bawat ektaryang space na miminahin.

“The suspension is not an opposition to Secretary Gina’s proposed additional mine fund. The DENR Secretary has to understand that this is all part of due process,” ani Barbers.

Isa si Barbers sa mga kumontra sa pagpapasara ni Lopez sa mga minahan sa iba’t ibang panig ng bansa dahil malaki umano ang epekto nito sa mga minerong mawawalan ng trabaho.

Naglabas ng kautusan si Lopez na singilin ang mga mining companies ng P2 million sa bawat ektaryang lupa na masisira sa pagmimiina bilang trust funds o ayuda sa mga magsasakang maaapektuhan ng mining operations.

Umapela ang mga mining companies sa Office of the President kaya pinigil ni Medialdea ang direktiba ni Lopez hangga’t hindi pa nagdedesisyon ditto si Pangulong Duterte.

SHARE