Una sa Balita

Mga tambay sa Tondo piyesta kay Isko

0 547

NAGPIYESTA ang mga tambay sa Moriones, Tondo matapos bigyan ng go signal ni Manila Mayor Francisco ‘Isko Moreno’ Domagoso na ikalakal ang lahat ng makukuhang bakal na obstruction sa kalsada kahapon.

Kabilang sa pinayagan ni Moreno na ikalakal ay ang isang pison, container van, mga kulungang bakal ng manok at mga naiwanang bakal sa kalsada pasado alas-10:00 nang umaga.

Pinangunahan kahapon ni Moreno ang clearing ope­ration sa 2 kilo­metrong haba ng Moriones St. sa Tondo bilang tugon sa 60 days clearing operation na iniutos ng Department of Interior and Local Government.

Ayon kay Moreno, alinsunod sa Public Welfare Act, anumang obstruksiyon na iniwan sa kalsada ay ikinukun­siderang pag-aari ng gobyerno kaya ipinamigay na niya ito sa mga tambay dahil walang may-ari.

Kasabay nito ay inabisuhan din niya ang mga contractor ng Department of Public Works and Highways na huwag iharang sa kalsada ang mga ginagamit nilang materyales dahil kukunin ito ng lokal na pamahalaan ng Maynila at ipamimigay sa mga tambay para maka­lakal. (Juliet de Loza-Cudia)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy