Una sa Balita

Mga taga-Hong Kong naglilipatan sa Taiwan

0 570

ANIM na buwan na ang mga protesta sa Hong Kong kaya napipilitan na ang mga mamamayan nito na mangibang-bansa.

Bunga nito, halos 30 porsiyento ang itinaas ng bilang ng nabigyan ng short-term at permanent residency sa Taiwan sa pagitan ng Enero at Set­yembre.

Ayon sa isang 27-anyos na Hong Konger sa isang online report, tumitingin na siya ng lugar para magbukas ng restaurant sa Kaohsiung sa Taiwan dahil hindi na aniya ligtas sa Hong Kong.

Hindi man kinikilala ang asylum o refugee application sa Taiwan, maaari naman aniyang manirahan dito sa iba’t ibang paraan gaya ng pagkuha ng investment visa. (IS)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More