Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Mga taga-Benguet nanginig sa lamig

0 69

Umabot sa 7 degree Celcius ang naitalang temperatura sa Benguet State University nitong Linggo ng umaga, ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical, and Astronomical Services Administration (Pagasa).

Samantala, naitala naman dakong alas-singko ng umaga, ang 9°C sa Baguio City. Mas malamig ito sa 9.4°C na temperatura sa parehong araw noong 2020 at ang pinakamalamig na temperatura sa apat na taon sa nasabing lungsod.

Samantala, sa Metro Manila naman, bumagsak sa 19.3°C ang temperatura.

Naitala ang pinakamababang temperatura sa Baguio City noong January 18, 1961 na umabot sa 6.3°C, habang 14.5°C naman sa Metro Manila noong January 11, 1914.

Ang nasabing malamig na hangin ay bunsod ng northeast monsoon o hanging amihan sa Hilagang Luzon. (Riley Cea)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.