Una sa Balita

Mga taga-Bacolod naaliw sa ‘Kara Mia’

0 832

abante-talbog-joe-barramedaInabangan at tinutukan ng mga manonood ang world premiere ng “Kara Mia” noong Lunes. Trending topic ito online at talagang tinutukan ang pagsisimula ng serye nina Barbie Forteza at Mika dela Cruz. Pati sina Carmina Villarroel at Mike Tan, at ang karakter niyang si Iswal ay pinag-usapan din sa Twitter.

Pilot episode pa lang, humamig na ng papuri ang Kapuso show mula sa netizens. “GMA Network does it again by giving its viewers fresh, out of the box concept that is both entertaining and filled with inspiring life lessons. I hope they maintain the momentum and sustain the impeccable story. Ngayon pa lang, good job & thumbs up to the casts & crew! #KaraMia,” sabi ni @Showbiz_Polls.

Pinuri rin naman ni @mikechris017 ang pagpapakita ng ganda at scenic spots ng Bacolod sa serye, “Thank you #karamia for showcasing our famous landmarks/tourist spots here in Bacolod City, Negros Occidental, Philippines ?? More power sa show!!!”

Ang kakaibang konsepto at ang pagmamalas ng kulturang Pinoy ng serye ang ikinatuwa ni @mykelandrada, “#KaraMia is an interesting take on the Visayan folkloric culture of Tamawo. This fantaserye may as well help educate Filipinos about the rich Visayan culture. Excited as how the story will be developed, including different socio-political struggles.”

Vice pinagsasawaan na

No wonder sina Boobay at Tekla na ang inaabangan ng manonood tuwing Linggo ng gabi dahil ilang episodes ng humahataw sa TV ra­tings ang kanilang prog­ramang “The Boobay and Tekla Show.”

Akalain mong pinataob nila ang kalaban sa Kapamilya na si Vice Ganda at tuloy-tuloy sila sa paghahatid ng saya at entertainment na puno ng good vibes every episode. Nagsawa na si­guro sila sa komedya ng kalaban, kaya kina Boobay at Tekla naman sila tumatambay tuwing Linggo ng gabi.

Bilib talaga kami sa kanilang talento at hardwork kaya naman marami silang blessings na natatanggap at successful ang kanilang show.

Bianca, Miguel kinasasabikan sa telebabad

Hindi pinalampas ng mga chikiting at young at heart ang “Daig Kayo Ng Lola Ko” episode nina Bianca Umali at Miguel Tanfelix na “The Ama­zing Adventures of Super Ging & Harvey” noong Linggo. Nakakaaliw kasi talaga ang nakaraang episode at may aral na itinuturo sa manonood.

Naging favorite weekend show na talaga ang “Daig Kayo Ng Lola Ko” dahil sa magagandang kuwento nito na kapupulutan pa ng aral. Bonus pa na sila BiGuel ang bida sa episode dahil nakaka­kilig silang panoorin onscreen.

Samantala, inaabangan na rin ang isa pang prog­rama na kanilang pagbibidahan sa primetime, ang “Sahaya,” na talagang pinaghahandaang mabuti ng Kapuso Network. Can’t wait na nga ang loyal suppor­ters ng magka-love team dahil miss na rin nila ang dalawa na mapanood sa GMA Telebabad.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy