Una sa Balita

Mga taga-Abra napahanga ng senador

0 572

Humanga si Senador Grace sa pagtanggap sa kanya ng mga mamamayan ng Abra sa pagdalo niya sa Christmas Party ng mga empleyado ng Provincial Capitol sa Capitol Atrium sa Bangued, Abra noong nakaraang Huwebes, Disyembre 20.

“Agyamanak unay, Abra, sa inyong pagtanggap at suporta, mula noon hanggang ngayon,” ani Poe sa masayang pagtanggap sa kanya ng mga taga-Abra. “Maligaya akong nagkasama-sama tayo ngayong araw.”“Sa ating government employees, agyama­nak sa inyong imbitasyon na maging bahagi­ ng inyong Christmas party,” dagdag ni Poe.

“Salamat sa inyong paglilingkod sa ating mga kababayan sa Abra.”Masaya naman ang mga empleyado ng Kapi­tolyo dahil sa sobrang sipag ng senadora na nagsadya sa kanilang lugar para lamang duma­lo sa kanilang Christmas Party.“Napahanga talaga ako ni Sen. Grace Poe, hindi pala siya mahirap imbitahin,” ayon kay Regine Blanco na residente ng Zone 6, Bangued sa lalawigan.

“Tiyak na topnotcher siya uli sa amin!”Pinuri naman ni Poe sa kanyang Facebook  ang magandang Oval Era Hotel sa Taft Avenue, Victoria Park Zone 5, Bangued.“I am impressed with the Oval Era Mall. Beautifully designed and tastefully executed, Abra is lucky to have this retail and entertainment hub at par with those in Manila,” ani Poe sa kanyang FB account. “May our Abreños build many loving memories with their families in this place, especially during this Christmas season.”

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy