Una sa Balita

Mga supporter ni Espinosa, pinagre-resign ni Iloilo City mayor-elect Treñas

0 443

INATASAN kahapon ni Iloilo City Mayor-elect Jerry Treñas ang mga opisyal ng city hall na nangampanya kay natalong Mayor Jose Espinosa III na bakantehin ang kanilang mga puwesto kundi ay mahaharap sa kasong elecitioneering, graft and corruption, immorality at iba pang mga kaso.

Ilan sa mga tinukoy ni Trenas sina Jojo Castro, sports development officer V; Moises Salomon, sports development officer III; Phil Barcelona, officer-in-charge, barangay affairs; retired police co-lonel Felix Muchada, exe-cutive assistant for security; Dr. Bernard Caspe, City Health Office chief; Engineer Bobby Dumanil, head, Task Force on Anti-Squatting and Illegal Structures; at Engineer Bobby Divinagracia, City Engineer’s Office chief.

Kasama rin sina Juncae Manikan, local ci-vil registrar; Eireen Manikan, assistant tourism officer; Jason Gregorio, Local Youth Development Office head; Dionisio Duco, Vincent Dela Cruz, Piper Billones, Melvin Soro- ngon, at Jun Inac Carl Espinosa M­aderable na inatasan ding magbitiw sa kanilang puwesto.

Inutusan ng dating congressman ng lone district ng Iloilo City ang kanyang mga abogado na mangalap ng mga ebidensya laban sa mga nabanggit na opisyal ng munisipyo. (Prince Golez)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy