Una sa Balita

Mga supporter ni Cerafica nagprotesta sa Taguig

By
0 335

Naging mapayapa ang isinagawang kilos protesta ng mga suppor­ter ng natalong kandidato sa pagka-alkalde ng Taguig City na si Taguig Pateros 1st District Congressman Arnel Cerafica kamakalawa nang gabi sa lungsod.

Nauna nang sumugod ang libo-libong supporter ni Cerafica sa harap ng Taguig City Hall upang iprotesta ang pagkapanalo ng kalaban nito na si Lino Cayetano sa halalan noong Lunes.

Pasado alas-nuwebe nang gabi nang ma-disperse ang mga tagasuporta ni Cerafica sa Levi Mariano Avenue kung saan sila nagsagawa ng pagtitipon dakong alas-siyete nang gabi.

Hindi pinayagan ng mga awtoridad na makalapit sa Taguig City Hall ang mga supporter ni Cerafica dahil sa ginagawang canvassing ng mga boto. Sigaw nila, buksan ang mga balota dahil nadaya raw ang kanilang kandidato.

Nabatid na si Cera­fica ay nakakuha ng boto na 110,746 boto at tinalo sa posisyon ng pagka-alkalde ni Lino Ca­yetano na nakakuha ng 174,558.

Hindi naman lumutang si Cerafica sa nasa­bing kilos-protesta at tanging ang kanyang mga supporter lamang ang naroroon at hindi rin nagbigay ng anumang pahayag ang nasabing mambabatas.

Ayon naman kay Police Colonel Alexander Santos, hepe ng Taguig City Police, naging gene­rally peaceful ang kilos-protesta at wala silang naitalang anumang untoward incident.

Aniya, sumunod naman ang mga tagasuporta ni Cerafica sa kanilang pangako na maging mahinahon at walang sakitan sa kanilang isinagawang kilos-protesta.­

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy