Una sa Balita

Mga supermarket sa Japan nagkaubusan ng paninda dahil kay Hagibis

0 282

NAGKAUBUSAN ng paninda ang maraming supermarket sa Japan bilang preparasyon sa paghampas ng super typhoon Hagibis nitong Sabado.

Ito ang pinakamalakas na bagyong tatama sa Japan sa nakalipas na 60 taon.
Maraming lugar ang agad na binaha, ilang libong kabahayan ang walang kuryente at isang tao agad ang kumpirmadong nasawi.

Nagbabala pa ang Japan Meteorological Agency sa pag­laki ng baha at mga landslide dahil sa hanging umaabot sa 180 km/h.

Dahil sa lakas ng bagyo, kinansela na ang ilang laro sa Rugby World Cup gayundin ang qualifying race ng Formula One sa Suzuka.

Kanselado rin ang biyahe ng eroplano at tren at mara­ming shop at pabrika ang nagsara dahil sa bagyo.

Kahit nasa dagat pa ang sentro ng bagyong Hagibis, marami nang kabahayan ang nasira sa Chiba, na nasa sila­ngang bahagi ng Tokyo.

Maraming Pinoy ang naninirahan at nagtatrabaho sa Japan kaya’t nagbigay ng abiso ang Department of Foreign Affairs sa ating mga kababayan natin doon na mag-ingat.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy