Una sa Balita

Mga sunflower super abang sa concert ni Kyline

By
0 1,992
Simula na ang bentahan ng mga ticket para sa ‘Take Fl16ht’ concert ni Kyline Alcantara ngayong July 4! Masayang-masaya ang Kapuso star dahil puwede na niyang ipamalita sa kanyang  mga Sunflower na matutupad na ang promise niya sa mga ito.
 
May pakiusap kasi ang kanyang mga fan na agahan ang pag-announce ng bilihan ng tickets para makapag-ipon pa sila, kaya naman ito na ang handog ni Kyline sa kanyang pinakamamahal ng mga supporter.
 
Ang official ticket selling ay magsisimula sa July 4 sa SMTickets.com, pero mula ngayon ay puwede nang magpa-reserve sa GMA Records.
umawag lang sa 376-3395 para sa ticket inquiries. Siguradong powerful performance ang handog ni Kyline, dahil mag-aala-Beyonce raw siya, ha! Siguradong aabangan din kung sino-sino ang kanyang special guests sa concert niya ngayong September 8 sa Skydome!