Una sa Balita

Mga sundalong frontliner napasagupa sa NPA

0 538

Patay ang isang rebelde samantalang sugatan ang isang miyembro ng Philippine Army matapos na ang tropa ng mga sundalo ay mapaengkwentro sa mga miyembro ng New People’s Army (NPA) sa Quezon province noong Miyerkules ng hapon.

Batay sa report ng Quezon PNP, nagsasagawa ng information dissemination hinggil sa COVID-19 ang mga tauhan ng Bravo at Charlie company ng 85th IB sa Barangay Ilayang Yuni, bayan ng Mulanay nang may makarating na impormasyon na may grupo ng NPA na nagsasagawa naman ng extortion activities hindi kalayuan sa kanilang area.

Dalawang squad ng mga sundalo ang agad nagtungo sa area kung saan naganap ang bakbakan laban sa nasa 20 NPA na mga miyembro.

Matapos ang ilang minutong palitan ng putok, umatras ang mga rebelde.

Naiwan sa encounter site ang bangkay ng isang hindi pa nakikilalang NPA.

Agad ding inilikas patungo sa ospital ang hindi pinangalanang sundalong nasugatan.

Nakarekober din ang mga militar ng isang M16 rifle at isang kalibre 45 baril. (Ronilo Dagos)

Abante – Wendys Inhouse Ad

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More