Una sa Balita

Mga sundalong frontliner nag-donate rin sa mga nangangailangan

0 389

Buhay na buhay ang bayanihan sa bansa sa harap ng nararanasang krisis dulot ng coronavirus disease 2019.

Ito ang inihayag ni Secretary to the Cabinet Karlo Nograles dahil sa dumadagsang tulong para sa health workers at iba pang frontliners na patuloy na nagsasakripisyo para maproteksiyonan ang sambayanan sa bagsik ng COVID-19.

Pero maging ang mga frontliner ayon kay Nograles ay nagbigay din ng tulong , partikular ang mga sundalo sa pamamagitan ng pagdo-donate ng bahagi ng kanilang sahod .

Bawat miyembro aniya ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ay magdo-donate ng bahagi ng kanilang sahod mula sa pinaka-mataas hanggang sa ordinaryong sundalo.

“AFP Spokesman Marine Brigadier General Edgard Arevalo announced that each member of AFP will donate an amount based on a certain percentage of their base pays for the Month of May,” ani Nograles.

Si AFP Chief of Staff General Felimon Santos Jr. ang may pinakamalaking kontribusyon na P10,484 habang ang ordinaryong sundalo ay tig-P100.

Pinasalamatan din ng IATF ang iba’t ibang sektor na nagpakita ng kanilang malasakit sa tunay na kahulugan ng bayanihan gaya ng mga arista at designers na ginamit ang talento para makatulong sa frontliners.

“Nakita natin kung gaano mapagbigay ang mga Pinoy, may mga artists at designer na ginagamit ang kanilang talento para lumikha ng mga makeshift PPEs para sa ating medical frontliners. May mga mang-awit na nag-fundraising campaign sa facebook, concert from home din,” dagdag ni Nograles.(Aileen Taliping)

Abante – Wendys Inhouse Ad

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More