Una sa Balita

Mga sundalo, pulis maaasahan sa kalamidad — Digong

By
0 238

WALANG ibang maaa­sahan at mauutusan sa panahon ng kalamidad at mga sakuna kundi ang mga sundalo at pulis.

Ito ang inihayag ni Pangulong Rodrigo Duterte kasunod ng patuloy na search ope­ration sa gumuhong gusali ng Department of Public Works and Highways (DPWH) sa Natonin, Mountain Province matapos matabunan ng lupa mula sa kabundukan.

Sinabi ng Pangulo na walang ibang unang sasaklolo sa lugar ng kalamidad kundi mga pulis at sundalo at sila aniya ang nagsisislbing utility ng sibilisasyon.

“Sila ‘yung utility. Sila ‘yung matawagan mo. Itong mga disaster natin, hindi kaagad makaresponde dahil pag-uwi niyan mahirap na silang ma-contact. Pero kapag pulis at sundalo, sila agad ‘yung matawagan at mapapunta sa lugar ng kalamidad,” anang Pangulo.

Pinupuna ng mga kritiko ang Pangulo dahil sa paghirang ng mga dating militar sa kanyang gabinete para makatulong nito sa pagpapatakbo sa gobyerno.

Pero sinabi ni Pa­ngulong Duterte na mas madaling kausap at madaling sumunod ang mga dating heneral kaysa mga tradisyunal na politiko sa gobyerno.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy