Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

‘Mga subdivision nagpapalala sa pagbaha’

0 75

Nagpapalala umano sa pagbaha sa mabababang lugar ang pagpapaunlad ng mga subdibisyon sa matataas na lugar.

Ayon ito kay Department of Science and Technology (DOST) Undersecretary Renato Solidum Jr. ngayong araw.

“’Yung mga subdivision na itinatayo sa taas ng Marikina, Montalban, San Mateo, at sa ibang parte ng Antipolo ay nagpapabawas ng kapasidad ng lupa na masipsip ‘yung tubig ulan dahil ito ay nasemento,” banggit ng opisyal sa Dobol B sa News TV.

SM SuperKidsDay Banner Ad

“Imbes pumasok sa loob ay aagos. Magkakaroon ng surface flow. Pupunta lang bigla ‘yan sa ilog. Ibig sabihin, imbes na dahan-dahan pa siyang dumaan doon, mapupuno bigla ‘yung ilog, biglang taas, at mas bibilis aagos ang baha,” paliwanag pa niya.

Pinunto rin ni Solidum na dahilan din sa pagbaha ang quarrying activities at kawalan ng vegetation sa lugar.

Minungkahi niya na magpatupad ng integrated at tamang land use planning na kinasasangkutan ng pagdedebelop ng mga residential at commercial area gayundin ng mga forest reserve para maligtas ang mga residente mula sa panganib.

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.