Una sa Balita

Mga star ng ‘Ang Probinsyano’ tinakbuhan ng Bacolod councilor

0 547

TF sa basketball event ‘di binayaran:

Nagreklamo kamakailan sa programang “Bitag” ni Ben Tulfo ang isang event organizer na si alyas “Norma” tungkol sa hindi pagbabayad umano nang tama ng isang konsehal sa Bacolod na si Al Victor Espino sa mga celebrity players na dati o kasalukuyang bahagi ng cast ng “Ang Probinsyano”.

Ayon sa kuwento ni Norma, mayroong basketball game for a cause na isinagawa sa Bacolod kung saan tampok at kalahok ang mga “Probinsyano” stars na tatapat sa mga artistahing pulis (re­presentative) sa ­Bacolod.

Napagkasunduan umano ang P820,000, air fair at talent fee ng lahat ng mga maglalaro roon. Nagkaroon din daw ng bentahan ng ticket para sa naturang ­kaganapan. Pero pagkatapos ng ­kaganapan ay hindi na nila na-contact si ­Councilor Espino.

Ngayon, mayroon ­silang ipinakitang cheke kung saan blanko ang nakalagay sa “Pay to the order of” na nangangahulugan kung kanino ibabayad ang naturang cheke, pati rin ang “pesos” na nangangahulugan naman kung magkano ang ibibigay na halaga ng pera ay blanko. ‘Yan nga raw ang kanilang natanggap mula kay Councilor Espino.

Ngayon, lumapit nga itong si Norma kay Ben Tulfo para isumbong ang pangyayari at ­pagkatapos ay sinubukang ­tawagan sa linya si Councilor ­Espino subalit hindi ito ma-contact. So sa ­kagustuhang maayos at maresolbahan nga ang problema, tinawagan naman ngayon ang Bacolod Mayor na si Evelio “Bing” Leonardia. “Ben, I understand this was a personal project of Coun. Espino and in fact, personally or officially, we are not part of it. But nevertheless, I can relay your message to him,” tugon naman ni Mayor Leonardia.

Nagkaroon naman ngayon ng eksklusibong panayam ang Abante sa isa sa mga aktor ng “Probinsyano” na sangkot sa ­naturang isyu. Kinumpirma ng aktor na totoo ang pangyayari at ikinuwento nga nito na noong nakaraang ­buwan, Sabado, sa kanyang pagkakaalaala, nasa usapan daw na magbabayad within the day si Coun. Espino ng cheke pero 7pm na ay wala pa rin, samantalang naglaro naman sila at may usapan nga raw na babayaran sila. So bilang kasiguraduhang matatanggap sana nila ang bayad, nauna nang umalis silang mga player kinaumagahan, habang si Norma na event organizer ay nagpaiwan hanggang Lunes para sa bayad pero wala pa ring ­natanggap. Pinuntahan pa nga raw sa opisina at bahay si Councilor pero hindi talaga ­mahagilap at maski ang phone ay hindi na ma-contact. Tuesday na nga raw nakauwi si Norma, ­kuwento ng aktor, kaya napagdesisyunan nga raw ni Alyas Norma na lumapit na lang kay Tulfo.

Samantala, ayon ­naman sa isang source sa panig ng Bacolod ­officials, wala umanong kontrata ang Team Probinsyano kay Coun. Espino at ayon pa sa nakausap naming source, nabastusan umano si Mayor Leonardia sa pakikipag-usap ni Tulfo kaya naman 3 days ago ay na-ban o persona non grata na umano si Tulfo sa pagpunta ng Bacolod. (Athena Yap)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy