Una sa Balita

Mga staff ng senador pikon sa blind item

0 531

NAGPUPUTOK na raw ang butsi ng mga staff ng senador dahil sa madalas na blind item sa kanilang amo.

Nakarating sa impormasyon ni Mang Teban na nanlilisik daw ang mata ng mga staff kapag nakakasalubong ang mga taong pinaghihinalaang gumagawa ng blind item.

Todo-depensa daw ang mga staff sa kanilang amo na madalas banatan sa mga artikulo kahit hindi naman binabanggit ang pangalan.

Sa kabila ng kanilang pag-aalburuto, hindi raw sila affected sa mga lumalabas na blind item sa kanilang among senador.

Ang classic nito, wala naman daw masyadong ginagawa ang mga staff na ito sa tanggapan ng senador pero wagas kung magtanggol sa kanilang amo.

Pintahan niyo na. Ang senador na may mga staff na nanlilisik ang mata dahil sa blind item ay may letrang A sa kanyang pangalan at apel­yido.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy