Una sa Balita

Mga sportswriter ‘di nalilimutan ni Kume

0 331

SA gitna ng trying times ‘ika nga, hindi nakakalimot si PBA commissioner Willie Marcial.

Hindi lang ang players ang inaasikaso niya.

Sinisiguro din ng Commissioner na maayos ang lagay ng lahat ng sportswriters na nagku-kober ng liga.

Huwebes ay isa-isang tinawagan ni Marcial ang sportswriters, kinukumusta.

Dahil sa coronavirus ay walang events, tengga lang din sa bahay ang mga writers.

“Okay ba kayo? Wala naman tayong problema? Stay safe lagi,” ang bungad niya. “Nangungumusta lang. Gusto ko lang masiguro na safe tayo lahat.”

Mga miyembro ng PBA family din ang turing ni Marcial sa mga nasa media.

Hindi pa mabanggit ng commissioner kung kailan magre-resume ang play ng Philippine Cup.

Kinansela ang all-Filipino noong March 11, pangalawang playdate pa lang sana ng torneo, dahil sa COVID-19.

Makalipas ang dalawang araw ay naglabas ng memo ang Commissioner na wala na rin munang ensayo ang teams sa mga gym.

“Tignan muna natin sitwasyon pagkatapos ng April 14, tsaka tayo magdedesisyon,” ani Marcial. (VE)

Abante – Wendys Inhouse Ad

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More