Una sa Balita

Mga sporting event lusaw sa COVID-19

0 195

HABANG pinapabulaa­nan ng mga namamahala ang kansela­syon sa nalalapit na 2020 Tokyo Olympics Games, halos buong mundo naman ay nakaramdam na sa matinding epekto ng novel coronavirus o COVID-19 dahil sa kabi-kabilang mga kansela­syon ng sports event.

Ilan sa mga direktang naapektuhan ay ang mga atletang nakatakdang sumali sa Olympic qualifying tournament, na paisa-isang nababaklas, walang katiyakan kung itutuoy pa o hindi.

Maging ang mga lokal na torneo sa bawat bansa iniurong dahil sa pangamba sa pagkalat ng nakamamatay na virus.

Pinakaunang naurong ang dalawang World Indoor Cham­pionships sa Marso 13-15 na inilipat sa Marso 2021 at hindi na isang OQT, pati ang Asian ­Indoor Championships sa Hangzhou nitong Pebrero 12-13.

Iniliban na rin ang Auto ­Racing Formula One ­Chinese Grand Prix sa Shanghai sa Abril 19 at ang Formula E Sanya E-Prix sa Sanya sa Mar. 21.

Natuloy nga ang Badminton Asia Team Championships sa ­Manila nitong Peb. 11-16 pero ‘di nakasali ang China, Hong Kong at India. Kanselado rin ang China Masters sa Hainan sa darating na Peb. 25-Mar. 1.

Kanselado rin ang ilang laro unang basketball window ng FIBA Asia Cup kabilang ang ­Pilipinas-Thailand sa Peb. 20, ang FIBA Wo­men’s Olympic ­qualifying tournament sa Foshan, China nilipat na sa Belgrade, Serbia noong Pebrero 6-9. (Lito Oredo)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More