Una sa Balita

Mga solusyon sa trapik sa EDSA

By
0 243

Marami ng mga sistema at estratehiya ang ipinatupad sa kahabaan ng EDSA upang solusyunan Ang problema sa trapiko.

Ang pinakahu­ling solusyon na nais i­patupad ng MMDA ay ipagbawal na ang mga sasakyan na tanging driver lang ang sakay sa rush hour.

Ayon sa paliwanag ng MMDA, 70 por­syento daw ang mai­babawas na sasakyan at inaasahang luluwag sa trapiko ang kahabaan ng EDSA.

Ang solusyong ito ay masasabing anti-poor dahil hindi naman lahat ng mga may ari ng sasakyan ay mayayaman at karamihan sa mga ito at nagsikap lang na makakuha ng mga kot­se na hulugan upang makakuha ng sariling sasakyan at maiwasan ang parusa ng hirap sa pampublikong transpor­tasyon.

Hindi ba dapat na EDSA ang hindi pagtuunan ng pansin ng MMDA dahil hindi lahat ng mga taga-Metro Manila ay dumadaan dito.

Kung talagang nais na lumuwag ang daloy ng trapiko sa EDSA, dapat seryosohin ang mga clearing operation sa mga sekondaryang kalsada.

Bagamat may isinasagawang mga clearing operation Ang MMDA pero balik ng balik din Ang problema dahil tila hindi ito sinusunod.

Kung maalis lang Ang mga obstruction sa mga maliliit na kalsada ay awtomatikong luluwag Ang daloy ng trapiko sa EDSA at kusang lalayuan na ito ng mga pribadong motorista at puwedeng ipaubaya sa pampublikong ­sasakyan.

Sa pagbabawal sa sasakyang isa lang ang sakay, makikinabang dito ay ang mga ma­yayaman at opisyal ng gobyerno na may sari­ling driver.

Samantala, papaano maipapatupad ng MMDA ang bagong sistemang dahil karamihan sa mga pribadong sasakyan ay sobrang dilim ng tint at hindi makita Ang sakay nito.

Sa labas naman ng EDSA, papaano so­solusyunan ng MMDA ang problema sa trapiko na mas marami ang apek­tado na siyang dapat binibigyan ng prayoridad ng gobyerno.