Una sa Balita

Mga solo parent pinasaya ni Janella

0 254

Masayang nagdiwang ng Pasko ang mga solo parent sa San Juan dahil kay Vice-Mayor Janella Estrada.

Ito’y matapos na makapiling ni Janella ang mga solo parent sa isinagawang Christmas party para lang sa kanila noong nakaraang Disyembre.

Sila ang bumubuo ng Solo Parent San Juan Chapter ng Kalipunan ng Liping Pilipina.

Nabusog sa pagkain, natuwa sa palaro at pa-raffle ni Janella ang mga solo parent kaya naman panay ang yakap nila sa anak ni dating Senador Jinggoy Estrada.

Alam ni Janella ang hirap na pinagdadaanan ng mga solo parent sa pagtataguyod ng kanilang anak kaya’t pinasaya ng vice-mayor ang mga ito bago sumapit ang Pasko ng 2018.

Naiinggit tuloy ang ibang solo parent na naninirahan sa ibang siyudad sa Metro Manila dahil wala daw ganitong klaseng Christmas party na ibinibigay ang kanilang lider.

Natuwa rin ang ibang netizen sa ginawang pagpapahalaga ni Janella sa mga solo parent.

Ang mga solo parent ay kumakatawan sa 14 hanggang 15 porsiyento ng populasyon ng bansa o higit sa 16 milyon.

Nakabinbin na ngayon ang mga panukalang batas para amiyendahan ang Republic Act 8972 o ang Solo Parent’s Welfare Act upang magkaroon din sila ng 20 percent discount sa pagbili ng pangangailangan ng kanilang baby hanggang sa uma­bot sila ng 18-anyos.

Pero ngayon pa lang, wagi na sa puso ni Janella ang mga solo parent dahil sa ibinibigay na ayuda dito.

Nagkaroon din ng hiwalay na Christmas party ang bise-alkalde para sa kabataan at sa mga senior citizen.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy